Kulminasyon ng Buwan ng Wika 2022
Ang buwan ng Agosto ay mahalaga para sa ating mga Pilipino dahil naipapakita natin ang ating pagmamahal at pagtangkilik sa ating sariling wika, ang Filipino. Isa ang 𝑯𝒐𝒍𝒚 𝑪𝒉𝒊𝒍𝒅 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒓𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒍𝒍𝒆𝒈𝒆𝒔, 𝑰𝒏𝒄. -𝑩𝒂𝒔𝒊𝒄 𝑬𝒅𝒖𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑫𝒆𝒑𝒂𝒓𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕 sa paaralang nakiisa sa makasaysayan at makabuluhang selebrasyon ng Buwan ng Wika na idinaos noong Ika-30 ng Agosto taong 2022 na may temang "Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha".
Maraming mga patimpalak ang nilahukan ng mga mag-aaral kabilang na ang pag-awit ng OPM, pagsayaw, pagsulat ng sanaysay, pagguhit, tagisan ng talino, parada ng kasuotan kung saan naging sentro ng selebrasyon ang pagpili ng Lakan at Lakambini ng Wika 2022. Tinanghal na Lakan ng Wika 2022 si Josh B. Inocencio at Lakambini ng Wika 2022 naman si Ashley Quin E. Gustilo.
Ang presensiya at partisipasyon ng bawat isa sa araw na iyon ay patunay na inaalala natin ang kasaysayan, kinikilala, pinapanatili at pinapaunlad pa ang wikang Filipino. Mahalin natin ang wikang Filipino, sapagkat ito ang daan patungo sa ating pag-unlad bilang nagkakaisang bansa.